Saturday, November 27, 2010

Ang unang pagtibok at muling pagtibok


Inlab, anu ba yun? haha oo matagal ko ng nakalimutan anu feeling ng inlab, panu ba naman mga 2 years na akong walang gf at yung ex ko (magkaibigan pa anman kami ngayun) e me anak na(di ako ang tatay, totoy pa ako nun). Pero ok lang yun, okay naman kami at nagkikita paminsan minsan(sa fb).

Naalala ko pa nun nung una kong makita sa fb yung profile pic nya, sabi ko "cute mo naman nung baby ka", kasi akala ko siya yung nasa pic since kamuka nya, e ang sagot nya sa comment ko, " di ako yan, baby ko yan, mommy na ako!".

HUWAAAAT? Ano? May anak ka na? Me sumpaan tayo nun na if ever pwede pa after graduation itutuloy natin diba? Diba tayo dapat? Diba ako lang gusto mo? Di ba? Diba? Sigaw ko (sa utak lang naman)

OO gulat ako nun pero ok na ako ngayun. E siya yung unang gf ko. Unang niligawan. Unang minahal, tsaka akala ko nun perfect na kami. Kahawig nya si Lovi Poe(pwede nga na mas maganda pa xa dun e) tapos sabi nya kamuka ko daw si Marky Cielo(rest in peace), e love team sila nun e. E siguro nga dahil namatay na si Marky kaya di na natuloy love story namin. Haaay...

At nagpatuloy ang buhay ko. Patuloy parin ang pagpasok ko sa CEU, umaandar parin ang LRT kahit minsan pumapalya, sumisigaw parin ng CUBAO! CUBAO! ang mga barker sa tapat ng Village namin at patuloy parin sa pagtawag ng "ate" yung kapitbahay namin sa nanay ko kahit mas matanda naman siya( at halatang halata naman sa itsura).

Nagkacrush pa naman ako sa ilan kong mga kakilala, minsan pa nga nag assume na ako. Yung iba di pwede kasi nasa relationship na, o kaya BITCH. hahaha. Simple lang anamn akong tao e, pag gusto ko, papapansin ako, papahangin hangang matangay ko na siya. Matagal na panahon na ng huling mangtyare yun, at sa di inaasahang panahon at oras, naulit muli. Nagmahal na naman ako.

Monday, November 22, 2010

si Jun Lana at ang prinsipe ng pagkukwento

Sumali ako sa pacontest ni Jun Lana, contest nga ba yun? Magmementor daw siya ng mga scriptwriters na interesado at tutulungan nya yung mga mapipili niya hangang makapasok sa script-writing industry. Maganda, e hilig ko magsulat . Ayun na nga at nagpasa ako ng resume tsaka ng essay, yun yung mga requirements nya.

Ok sulat sulat, at sa sinulat kong essay dun ako nag kuwento ng kung ano ano. At dahil makwento ako, dun ko na realize na lumalampas na ng 1 page yung essay ko.

”Anak ng tipaklong,”sabi ko sa isip ko.“Di ko yata kaya magsulat (at magkwento) pag 1 page lang!”

At ginawa ko ang maaring gawin ng nakararami. Average lang naman kasi IQ ko. Hinaylight ko at pinaliit ang font! At ng di parin umubra, niliitan ko ang margin at pooof! nagkasya na sa wakas! Siguro pag kasing talino ko si Einstein o si Detective Conan iba ginawa ko. Pero ok na din yun :)



Gusto ko ang pagsusulat (lalo na sa wikang Filipino). Paborito ko rin kasi ang pagbabasa ng kahit na anong mga babasahin lalo na ng mga nasusulat sa Filipino. Nung 1st year college nga ako parang naging ambassador ako ng mga pinoy books kasi “best in promote” ako sa mga kaibigan at mga kaklase ko na magbasa naman ng mga libro na isinulat ng mga manunulat na Pilipino. Dumating nga ako sa point na ako na ang kusang nagpapahiram ng mga libro (yung Para Kay B ni Ricky Lee(isa sa mga paborito kong scriptwriter), Ulan-ulan, Hulugan mo ako ng Sundang ni Lualhati Baustista, mga Kiko Machine Komiks, at mga libro ni Bob Ong) sa mga kaibigan at kaklase. Sa mga bookstore, doon mo ako lagi makikita sa mga istante ng Philippine Literature. Marami akong mga gustong libro doon kaso kulang sa budget kaya hanggang sa pasilip-silip na lang din ako (nakabili din naman ako ng ilan gaya nung mga librong nabanggit ko kanina).


Mahilig din akong manuod ng TV (adik ata ang mas tamang term :)). Top 2 sa “how Jaylord kills time” ito, sumunod sa pagsusulat/pagbabasa at sinundan ng paggawa ng random na bagay tulad ng: pag-iinternet(facebook, youtube, pagbabasa ng mga blog, pagri-research, pagda-download), lakad-lakad, kanta-kanta, sayaw-sayaw, kain-kain, tulooog, jamming at iba pa. Sa panunuod ko ng TV, marami akong mga napapansin at sa tingin ko dahil nga sa panunuod ay natuto akong ipaghambing ang magandang programa sa hindi.


(lalalalalalala…),at mga essays na naenjoy ko na sa dami kasi nga karamihan ng mga assignment sa high school hanggang ngayong college ay halos puro ganun. ), kanta (konti pa lang naman at wish ko lang maganda sa pandinig ng iba  thank you Lord). At dahil nga nagustuhan ko ang pagsusulat, pinagpatuloy ko ito nung high school at this time mas lumawak yung kaalaman ko at nasubukan kong sumubok magsulat ng ibat’ ibang uri ng mga lathalain. Nagsusulat na ako noon ng mga tula, kwento, editoryal, balita at features para sa school paper, mga script sa mga plays na kadalasang comedy at ako rin ang director (haha I love and miss that Nagsusulat na ako nung elementary (unang beses sa feature writing, sa mga Schools Press Conferences at pinalad na makarating hangang regional level


Sa pamamagitan ng pagsusulat, para sa telebisyong at pelikula, ay maibabahagi ko ang sa aking mumunting paraan ang mga bagay na sa tingin ko ay ikagaganda ng mga ito upang maging mas epektibo at kapakipakinabang. Nais ko magpasaya ng mga tao, nais ko ibahagi ang anu mang meron ako para sa larangang ito, nais ko magpatawa, manakot, magpabilib, at magpaiyak ng mga tao at iparanas at ipakita sa kanila na nag mga programang pantelebisyon at mga pelikula ay hindi lamang mga palabas ngunit isang silip sa kung anu nga ba ang nangyayari sa tunay na buhay; mga simpleng bagay o eksena na kapupulutan ng di lamang ng libang kundi pati aral at inspirasyon na maaring madala natin sa pagpatuloy ng buhay.


Gusto ko ang pagsusulat. Gusto ko pa magsulat. Gusto ko ang pagsusulat ng script sa TV o pelikula. Gusto ko pa matuto at sa tamang panahon ay maipamahagi ko rin ang aking mga nalalaman sa iba. Gusto ko ito dahil gusto ko talaga. Gusto ko ring maging bahagi ng indutriya. Alam ko na hindi madali at maaaring mahirap pero sa tingin ko ay handa ako. Isa pang dahilan? Gusto kong makatulong lalo na sa pamilya ko :).


Ayan...at dahil sa kuwento ko na yan, may tumawag sakin! OO meron! Si JUN LANA! Napili daw ako! At mejo napatalon ako at ngumiti nung una pero mga after 1 minute, napatulala ako, sabi ko sabay bulong...talaga napili ako? At binasa kong uli yung essay at natpangiting muli.