PALMUTE & Latebloomers
Yan yung dalawang bandang kinabibilangan ko. Parehong amatuer pero malupit. Yung Latebloomers samahan lang talaga yan. Jamming jamming naming mga magkakaibigan, ako, Egay, at Romnick yung isa pa pala si Ikoy, manager daw namin hahaha.
Masaya, bonding lang talaga namin ang tugtugan.Sa Antipolo kami madalas mag practice, oo walang hanggang praktis, wala naman kaming pinagpapraktisan pero masaya, siguro in a day nakakacompose kami ng 4 or more na mga kanta. Ako kasi yung tipong bagsakan lang ng gitara me mga lyrics at tono na agad naglalaro sa utak ko.(thanks Lord sa TALENT :). Pero yun nga lang di lahat ng mga kanta namin nasusulat namin nun kaya ayun, nilipad na ng limot. Pero me mga ilan na nasulat ko gaya ng The Waiter, isang tagalog song na mejo rock ang dating.( Ipo-post ko yun dito:), yung isa pa na Tambayan. ewan ko kung san na napunta, pero may mga compose din ang kaibigan kong si Nik, yung kanyang Na Naman, at Sa Aking Tabi, malupit din yung mga kantang yun.(ilalagay ko din dito).
At dahil sa pagnanais nga na tumugtog sa totong tugtugan napasama kami ni Romnick sa Palmute, banda ng pinsan ko. At dahil sa isang napakahabang kwento,ayun napasama nga kami.
4 kami dito sa bandang to. 2 kami nung pinsan/tita ko na vocalist, si Philsun.2 din ang gitarista at yung isa nagbi-beatbox minsan pag kelangan, si Kuya Kin na kapatid ng gf ng isa ko pang pinsan/tito na si Vanjo.
Marami pang kwento, marami pang mga nangyayare, pero sa pagbabandang to, sumasaya ako. Kahit anu pang mangyare ngayon parte na to ng buhay ko. Sana sa susunod mas masaya na ang kwento.
Sunday, December 26, 2010
Friday, December 3, 2010
Epekto ng Masisipag na Paa II
Habang kumakain, Naglalakad.
Nagkukuwentuhan. Nagpipictyuran. Nagtatawanan.
At biglang napagod.Haaaaay....
" Tara sakay na lang tayo tricycle".
TARA!!!
Broom...brooom...tunog ng traysi...
Kakaiba ang sasakyan ni Kuya, walang harang sa harap.
Ayan, nagpicyure picture pa kami.. Drive si kuya, diretso sa dike.
Yung dike na yun yung part ng Laguna bay. At talaga namang maganda, lalo na at may sunset sa background :)
![]() |
alex |
![]() |
Kuya Sei |
![]() |
ako |
![]() | ||
^^ |
Matapos ng ilang picture taking, kami ay nagpasyang umuwi na ngunit bago nun ay sumaan kami sa Ynares Center sa Antipolo. Kain kain, Kwentuhan, Shopping, lakad lakad. Maganda, maingay, makulay, maliwanag. Matapos mabusog ng tiyan namin at ng aming mga mata...dun namin napagpasyahan na tapusin ang aming araw. Isang araw ng paglalakad at paggagalugad. Di lang naman sa Pagsanjan may falls, meron din sa Daranak. Di lang sa Paris may magandang sunset, meron din sa tanay dike. Madaming magaganda sa Pilipinas, at di na kelangan pa lumayo, meron na dito mismo sa mga probinsyang malapit sa maynila. Maghanap lang at makikita mo rin. Happy TRIP:)
Thursday, December 2, 2010
Epekto ng mga Masisipag na PAA
Isang umaga, bigla na lang akong ginising ng isang text. " Jaylord, sama ka? Punta kami ng Angono fiesta, crossing na kami". Si Alex yun, kasama ko sa NACCAP-NAPC dati. Youth Leaders kami. Kasama nya ang dakilang si kuya ARIES aka SEI TRIAS, the great traveler. Tingnan nyu na lang ang kanyang multiply site upang malaman kung ilan na lang ang parte ng Pilipinas ang di nya napupuntahan. http://seitrias.multiply.com/
Halos libot na nya ang boung bansa at ebidensya nito ang libo libo nyang kuha ng larawan. Kaya talagang iniidolo ko siya, ksi yun din ang dalawa sa gusto ko. Photography at Traveling.
Balik sa kwento, ayun nagreply na ako at sinabi na susunod na lang ako sa kanila sa Angono. Pagdating ko, nakita ko sila sa tapat ng munisipyo. Mayroon ngang mga tiangge at mga banderitas ngunit wala pa ang mga parada ng mga HIGANTES, kinabukasan pa daw. Haaaay. Ngunit di kami tumigil sa paglalakad ng dahil doon. Galing sa munisipyo, nagpunta kami ng simbahan ng Angono. May patay. Nagdasal saglit, kuha ng picture saglit at muling naglakad.
Sa paglalakad aming nakita ang isang nuno sa ibabaw ng puno, ito ay yari sa semento. At dun namin nahinuha na ang pangalan ng bayan na iyon ay maaaring galing sa mga katagang, "ANG NUNO". At sa aming paglalakad, nakita namin ang isang parte ng lansangan na nagpapahiwatig na ang bayang iyon nga ang sentro ng malikhaing gawa. (arts).
At matapos nun ay kumain kami sa Jollibee ng ANGONO. Matapos nun ay muli kaming naglakad. Sandali kaming nag usap usap. Saan tayo pupunta ngayon? Maaga pa! Lakad pa. Lakbay pa tayo. Sumakay kani sa jeep at nagpasyang pumunta ng TANAY.
WELCOME TANAY!!!
Syempre pagdating ay dumeretso kami agad ng simbahan. Tulad ng sa ANGONO, dasal sandali, kuha ng litrato. At umikot ikot pa sa ibang parte ng simbahan. Luma na ang lugar at puno ng kasaysayan.
Tambay muna kami sa parke sa tapat ng simbahan. Pahangin. Masarap magpahangin doon. Malamig. Makulay din yung mga lobo na tinda ni manong. Matapos nun. Lakad lakad muli. Ngayon naman naghahanap ng makakain. Nakakapagod din naman kasi maglakad. At nakita namin ang magpapatamis ng araw namin , ang matamis na ICE CRAMBLE.
Napasarap ang kain namin, napasarap ang kwentuhan at mas ginanahan pang maglakad lakad.
Subscribe to:
Posts (Atom)