Thursday, December 2, 2010

Epekto ng mga Masisipag na PAA

Isang umaga, bigla na lang akong ginising ng isang text. " Jaylord, sama ka? Punta kami ng Angono fiesta, crossing na kami". Si Alex yun, kasama ko sa NACCAP-NAPC dati. Youth Leaders kami. Kasama nya ang dakilang si kuya ARIES aka SEI TRIAS, the great traveler. Tingnan nyu na lang ang kanyang multiply site upang malaman kung ilan na lang ang parte ng Pilipinas ang di nya napupuntahan. http://seitrias.multiply.com/

Halos libot na nya ang boung bansa at ebidensya nito ang libo libo nyang kuha ng larawan. Kaya talagang iniidolo ko siya, ksi yun din ang dalawa sa gusto ko. Photography at Traveling.

Balik sa kwento, ayun nagreply na ako at sinabi na susunod na lang ako sa kanila sa Angono. Pagdating ko, nakita ko sila sa tapat ng munisipyo. Mayroon ngang mga tiangge at mga banderitas ngunit wala pa ang mga parada ng mga HIGANTES, kinabukasan pa daw. Haaaay. Ngunit di kami tumigil sa paglalakad ng dahil doon. Galing sa munisipyo, nagpunta kami ng simbahan ng Angono. May patay. Nagdasal saglit, kuha ng picture saglit at muling naglakad.

Sa paglalakad aming nakita ang isang nuno sa ibabaw ng puno, ito ay yari sa semento. At dun namin nahinuha na ang pangalan ng bayan na iyon ay maaaring galing sa mga katagang, "ANG NUNO". At sa aming paglalakad, nakita namin ang isang parte ng lansangan na nagpapahiwatig na ang bayang iyon nga ang sentro ng malikhaing gawa. (arts).













At matapos nun ay kumain kami sa Jollibee ng ANGONO. Matapos nun ay muli kaming naglakad. Sandali kaming nag usap usap. Saan tayo pupunta ngayon? Maaga pa! Lakad pa. Lakbay pa tayo. Sumakay kani sa jeep at nagpasyang pumunta ng TANAY.

WELCOME TANAY!!!
Syempre pagdating ay dumeretso kami agad ng simbahan. Tulad ng sa ANGONO, dasal sandali, kuha ng litrato. At umikot ikot pa sa ibang parte ng simbahan. Luma na ang lugar at puno ng kasaysayan.

Tambay muna kami sa parke sa tapat ng simbahan. Pahangin. Masarap magpahangin doon. Malamig. Makulay din yung mga lobo na tinda ni manong. Matapos nun. Lakad lakad muli. Ngayon naman naghahanap ng makakain. Nakakapagod din naman kasi maglakad. At nakita namin ang magpapatamis ng araw namin , ang matamis na ICE CRAMBLE.







Napasarap ang kain namin, napasarap ang kwentuhan at mas ginanahan pang maglakad lakad.

No comments:

Post a Comment