PALMUTE & Latebloomers
Yan yung dalawang bandang kinabibilangan ko. Parehong amatuer pero malupit. Yung Latebloomers samahan lang talaga yan. Jamming jamming naming mga magkakaibigan, ako, Egay, at Romnick yung isa pa pala si Ikoy, manager daw namin hahaha.
Masaya, bonding lang talaga namin ang tugtugan.Sa Antipolo kami madalas mag practice, oo walang hanggang praktis, wala naman kaming pinagpapraktisan pero masaya, siguro in a day nakakacompose kami ng 4 or more na mga kanta. Ako kasi yung tipong bagsakan lang ng gitara me mga lyrics at tono na agad naglalaro sa utak ko.(thanks Lord sa TALENT :). Pero yun nga lang di lahat ng mga kanta namin nasusulat namin nun kaya ayun, nilipad na ng limot. Pero me mga ilan na nasulat ko gaya ng The Waiter, isang tagalog song na mejo rock ang dating.( Ipo-post ko yun dito:), yung isa pa na Tambayan. ewan ko kung san na napunta, pero may mga compose din ang kaibigan kong si Nik, yung kanyang Na Naman, at Sa Aking Tabi, malupit din yung mga kantang yun.(ilalagay ko din dito).
At dahil sa pagnanais nga na tumugtog sa totong tugtugan napasama kami ni Romnick sa Palmute, banda ng pinsan ko. At dahil sa isang napakahabang kwento,ayun napasama nga kami.
4 kami dito sa bandang to. 2 kami nung pinsan/tita ko na vocalist, si Philsun.2 din ang gitarista at yung isa nagbi-beatbox minsan pag kelangan, si Kuya Kin na kapatid ng gf ng isa ko pang pinsan/tito na si Vanjo.
Marami pang kwento, marami pang mga nangyayare, pero sa pagbabandang to, sumasaya ako. Kahit anu pang mangyare ngayon parte na to ng buhay ko. Sana sa susunod mas masaya na ang kwento.
No comments:
Post a Comment